Umabot na sa mahigit 25 milyong views ang official trailer ng inaabangang sagupaan ng dalawang higanteng halimaw sa upcoming movie na "Godzilla vs Kong."

Sa trailer inilabas ng Warner Bros. Pictures na mapapanood sa Youtube, may patikim kung papaano magaganap ang matinding sagupuan nina Kong at Godzilla.

Ipinakita rin ang batang si Jia na magiging kaibigan ni Kong.

Ang “Godzilla vs Kong" ay bahagi ng “Monsterverse” ng Legendary Entertainment  at sequel sa “Kong: Skull Island” movie noong 2017.

Tiyak na aabangan ng mga sumusubaybay sa dalawang dambuhala kung sino sa kanila ang matitirang buhay sa kanilang sagupaan.

Ayon sa Warner, ipalalabas ang "Godzilla vs Kong" in 2D at 3D sa piling mga sinehan at IMAX sa March 26, 2021, at pagkatapos ay sa HBO Max sa Amerika. —FRJ, GMA News