Hindi naiwasan ni Nicole Donesa na maging emosyonal sa pag-alis ng asawa niyang si Mark Herras sa kanilang tahanan para sa lock-in taping ng upcoming Kapuso series na "Artikulo 247."

Sa kanilang latest vlog entry, na nag-bonding sina Nicole, Mark at ang ina ni Nicole para sulitin ang huling araw ng aktor bago sumalang sa lock-in taping.

Kinagabihan, hindi makatulog ang dalawa habang binabantayan ang kanilang anak na si Baby Corky.

“I don't know, I'm excited to work, but I don't wanna leave the house," pabulong na komento ni Mark.

Ayon kay Nicole, mawawala si Mark ng halos isang buwan para sa lock-in taping. Ito ang unang pagkakataon na magkakahiwalay sila ng ganoong katagal.

Kinabukasan, hinatid ni Nicole ang kaniyang asawa, bago ito sunduin ng production team sa kanilang meeting place.

Kaya sa pag-uwi, si Nicole na ang nagmaneho ng sasakyan habang mag-isa.

"That was actually the first time I drove by myself after such a long time, pauwi na kami. Oh, my God, nakakaiyak pala 'yung ganito,” sabi ni Nicole.

Emosyonal na inalala ni Nicole ang mga panahon na kasama ni Mark ang kanilang anak.

"Ever since Corky became so makulit na and so active, we started sleeping here in the play pen and si Mark, ito 'yung pwesto niya, katabi si Corky. Ayan oh! Ayan 'yung kumot niya," pagturo ng aktres.

"Hala?! Bakit gano'n? 'Pag nakikita ko 'yung mga gamit niya naiiyak ako?" pagpapatuloy ni Nicole.

Gayunman, kailangan pa rin niyang magpakatatag sa pag-alis ng kaniyang asawa.

“Okay, I have to pull myself together, I still have work to do, some errands to do. I cannot just stay like this. Walang mangyayari kung mao-overpower 'yung feelings ko 'yung buong araw ko.”

Samantala, may hiwalay din na vlog si Mark ng unang araw niya sa lock-in taping at malayo sa pamilya.

“This is my first time to be gone for more than a month without Corky and Ico. It's hard, I just want to sleep para mas mapabilis ang araw ko," sabi ni Mark.

“May work na naman ako na gagawin, so it's okay. You just have to sacrifice ng ibang oras with my family, with my Ico and Corky. But I'm sure it's gonna be worth it naman," sabi ni Mark.

Ikinasal sina Mark at Nicole sa isang civil ceremony nitong Setyembre 8.

Na-engaged sina Nicole at Mark noong Hunyo ng nakaraang taon, habang isinilang si Corky nitong nakaraang Pebrero. --FRJ, GMA News