Nagbigay-pugay ang aktres na si Lovely Abella sa namayapang si Anna Lyn Manalo, ang ina kaniyang asawa na si Benj Manalo.

"Rest in Peace Mommy," saad ni Lovely sa caption na kaniyang post sa Instagram. "Hindi man tayo nagkakwentuhan nang matagal, di man tayo nagkasama pero ang isang mapapangako ko ay di ko pababayaan ang anak mo at mga kapatid ko na din."

Pumanaw noong Enero 14 si Anna Lyn, estranged wife ng komedyanteng si Jose Manalo. 

"Ramdam ko ang sakit na nararamdaman nila kaya masakit din sakin na sobra silang nasasaktan," ayon kay Lovely. "Wag kang mag alala hanggang sa huli di ka namin kakalimutan."

Nagbigay din ng mensahe si Lovey para sa kaniyang mister na si Benj.

 

 

"Mahal pinahanga mo ako, pinahanga mo ako kung gaano kabuti ang Puso mo," sabi ng aktres kay Benj.

"Salamat Lord at pinaliwanagan mo ang isip ng Asawa ko, mas nakita mo ang dahilan kung bakit Tough Love sayo Si Mommy, nakita mo na ang resulta ng lahat na ikinakaganda ng buhay mo ngayon," patuloy ni Lovely.

"Forever ka naming mamimiss," saad pa ni Lovely para kay Anna Lyn.

FRJ, GMA News