Kinagiliwan ng netizens ang bonding na fitness goals ni Camille Prats-Yambao at anak na si Nala.
Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ni Camille ang kanilang workout video, kung saan game na sumabay si Nala sa fitness routines.
"As soon as she sees me getting ready for workout, she changes to workout clothes not forgetting her kikay socks for motivation. My routine has become her routine for now! Enjoying it while it lasts," caption ni Camille.
Kita naman sa background ang bunsong anak ni Camille na si Nolan, na enjoy sa kaniyang pagba-bike. – Jamil Santos/RC, GMA News
