Nagpainit sa social media sina Sanya Lopez at ang "First Lady" girls sa kanilang todo-giling na pool dance video.
Sa Instagram nina Sanya at Maxine Medina, mapapanood ang kanilang hot dance moves kasama rin sina Cai Cortez, Kakai Bautista, Cassy Legaspi, Divine Aucina at Thia Thomalla.
Nag-enjoy ang First Lady girls habang break sa kanilang lock-in taping.
"Kami lang to mga DEARS!!!" caption ni Sanya. – Jamil Santos/RC, GMA News
