Opisyal nang kinumpirma ni Herlene Budol, o mas kilala bilang si "Hipon Girl," ang pagsali niya sa Binibining Pilipinas.

Sa kaniyang Facebook page, ibinahagi ni Herlene ang kaniyang glammed up look kasabay ng pag-fill out ng application form ng Binibining Pilipinas.

"Mga KaSquammy, first tym ko ngayon mag contact lens. Sa mga nag pm at nag tetext sa akin. Opo, totoo po mag jojoin po ako ng Binibining Pilipinas sa kasalakuyan nag fill up ako ngayon ng Official Application form ng Binibining Pilipinas!" pagkumpirma ni Herlene.

"Ipagpray nyo ako pumasa sa screening mga Hiponatics ko ah! Love u all," hiling ni Herlene sa kaniyang fans.

Bago nito, gaganap si Herlene sa "Magpakailanman" nitong Sabado bilang si Rose Vega, na napanood sa American reality TV show na "90 Day Fiancé." — Jamil Santos/VBL, GMA News