Inihayag ni Ken Chan na tulad ng marami, nagkaroon din siya ng ka-"quaranfling" sa kasagsagan ng pandemya.

“Despite the pandemic, nakakulong lang tayo sa bahay nu'ng kasagsagan ng COVID at napansin namin, napansin ko rin na maraming mga pag-ibig ang nabuo so marami tayong naka-fling,” sabi ni Ken sa panayam sa kaniya ng GMA News Online.

"Isasama ko na 'yung sarili ko so that’s why it’s ‘quaranfling,’" dagdag ni Ken.

"Nakakatuwa lang na despite of COVID, may mga pag-ibig na nabuo at maraming makaka-relate na mga tao sa kanta na ‘to."

Ayon sa "Mano Po Legacy" star, ang kaniyang naka-love interest ang nagsilbing inspirasyon sa pinakabago niyang single na "Quaranfling."

Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabing umani na ang recording video ni Ken ng mahigit 8,200 views sa YouTube.

Isa si Ken sa mga pumirma sa Signed for Stardom ng Sparkle GMA Artist Center nitong nakaraang Huwebes. —VBL, GMA News