Kahit na hindi problema sa kanila ang age gap, inihayag ni Pauleen Luna na "you and me against the world" ang pakiramdam niya noong magsimula ang karelasyon nila ni Vic Sotto. Pero paano nga ba niya napagdesisyunan na si Bossing na ang "the one" para sa kaniya?

"I know it's no secret that when we started, it was 'You and me against the world,'" kuwento ni Pauleen sa "Surprise Guest with Pia Arcangel."

"Ang dami talagang kontra, ang daming hindi nakaintindi. So many people were weirded out. Ako rin naman slight," biro ni Pauleen.

At nang tanungin kung dahil ba ito sa agwat ng kanilang mga edad, sinabi ni Pauleen na dahil ito sa estado ni Bossing bilang matagal at beterano na sa industriya.

"The age gap was never an issue. [Pero] na siya si Vic Sotto," anang Eat Bulaga Dabarkads.

Gayunman, ibang iba raw ang Vic Sotto na napapanood sa TV, kumpara sa Vic Sotto sa totoong buhay.

"The person that you see on TV is so different from the person that I live with. He's so simple, nakakatuwa ‘yung pagka-simple niya. Siyempre 'yung status niya, 'Huh, talaga ba?'" sabi ni Pauleen.

Napagtanto ni Pauleen na si Vic ang kaniyang "the one" nang maramdaman niyang hindi na mahalaga ang kanilang mga estado o titulo.

“But when we're together, kaming dalawa lang, wala talaga eh. Siya si Vic, ako lang si Pauleen. All these titles and names, they all go out the window. I realized na parang it was something serious noong all of those didn't matter."

Hindi naman nakaiwas sina Pauleen at Bossing sa mga pamba-bash nang ihayag sa publiko ang kanilang relasyon.

"All those negative comments, all those bashing. Oh, I got called a lot of names. I got called a lot of names by people I do not know and by people that I know," pag-alala ni Pauleen.

"We never talked about it to be honest," pag-amin ni Pauleen, na idinagdag na nakararating din maging kay Bossing Vic ang mga pamba-bash ng mga tao.

"Hindi lang ako, that's why I said 'You and me against the world,'" anang actress-TV host.

"I'm sure ang dami ring comments na nakakarating sa kaniya, kaya I think that made our relationship stronger because we [are] really in it together," sabi ni Pauleen.

Ikinasal sina Pauleen at Vic noong 2016. Isinilang naman ni Pauleen ang kanilang anak na si Talitha Maria noong 2017. --FRJ, GMA News