Makalipas ang halos dalawang taon, nagbabalik ang South Korean girl group na Blackpink, na may surpresang bagong album at world tour sa kanilang Blinks.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, sinabi sa report ng Soompi na ito ang kinumpirma ng agency ng grupo na YG Entertainment.

Ayon pa sa isang source, target ng Blackpink na gawin ang pinakamalaking world tour sa kasaysayan ng K-Pop girl group.

Trending sa Twitter ang pagbabalik ng Blackpink, na umabot na sa mahigit isang milyong tweets.

Patapos na rin ang recording ng kanilang album at magsisimula na silang mag-shoot ng music video na ilalabas sa Agosto. —Jamil Santos/VBL, GMA News