Masayang ibinahagi ng singer na si Jaya na nakalipat na sila ng kaniyang pamilya sa bago nilang tirahan matapos masunog ang dati nilang bahay sa Amerika.
Nitong Linggo, nag-post si Jaya ng ilang larawan sa bago nilang tirahan.
"Aug. 19 is our Day 1 into our new home," saad niya sa caption. Nagpasalamat ang mang-aawit sa mga tumulong sa kaniyang pamilya.
"Your love, prayers, encouragement and those who gave from the heart, we will always lift you up in prayers," sabi ni Jaya.
Matapos mangako ng video, nagbigay ng maigsing thanksgiving prayer si Jaya: "Thank you Lord for new beginnings."
Nitong August 8 nang masunog ang bahay nina Jaya. Sa kabila ng nangyari, nagpasalamat siya dahil wala sa kanilang nasaktan.
Bukod sa magandang balita tungkol sa bagong bahay na nalipatan, may bago na ring trabaho ang kaniyang mister.
Taong 2021 nang magpasya si Jaya at ang kaniyang pamilya na manirahan na sa US matapos ang mga pagsubok na dulot ng COVID-19 pandemic. — FRJ, GMA News

