Sa kabila ng tila pag-unfollow nila sa isa't isa sa Instagram, nag-post si Kobe Paras ng mga larawan na yakap at hinalikan niya ang napapabalitang kasintahan na si Erika Rae Poturnak.
Ipinost ni Kobe ang mga larawan sa kaniyang IG Stories nitong Lunes, kasabay ng pagdiriwang ni Erika ng ika-21 taong kaarawan.
Isa sa mga larawan ay monitor selfie nila na nag-kiss sila sa lips, at naka-tag ang dalaga na may heart emoji.
Sa isa namang larawan, solo lang si Erika na may caption na “birthday girl.”
Nitong nakaraang Setyembre, nag-post din si Erika ng sweet photos nila ni Kobe na nagdiwang naman noong ika-25 taong kaarawan.
Kamakailan lang, naghinala ang netizens na naghiwalay na ang dalawa nang mag-unfollow sila sa isa't isa sa Instagram.— FRJ, GMA News

