Pinusuan ng netizens ang sweet bonding moment nina Rita Daniela at super cute niyang anak na si baby Uno.

Sa Instagram, nag-post ng kaniyang larawan si Rita, at video ng kulitan nila ng kaniyang five-month-old baby.

"Swipe left for cuteness and happy vibes. hayyyy so so in love with my guapito," sabi ni Rita sa caption.

Sa video, makikita na hawak ni Rita si baby Uno na todo smile habang magkalapit ang kanilang mukha.

 

 

Pinusuan naman ng mga follower ni Rita ang naturang post, at natuwa sa hatid nitong good vibes sa kanila.

Ayon sa isang follower ni Rita, nakakawala ng pagod ang ngiti ni Uno.

Very guwapo, cute at bungisngis naman ang paglalarawan ng iba pang netizens kay baby Uno.

Unang anak ni Rita at ng kaniyang non-showbiz boyfriend si baby Uno na isinilang noong December 2022. —FRJ, GMA Integrated News