Pinagpapaliwanag ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang mga producer ng "It's Showtime" dahil sa isang eksena ng magkasintahan at mga host ng programa na sina Vice Ganda at Ion Perez.

Ayon sa ulat ng GMA News "24 Oras," nakatanggap umano ng reklamo ang MTRCB tungkol sa nasabing eksena na nangyari sa segment na "Isip Bata" noong July 25.

Sa naturang segment, kumakain ng cake ang magkasintahan na para sa nagreklamo ay nagpapakita ng umano ng  "indecent acts." 

Binigyan ng limang araw ang mga respondent para magpaliwanag tungkol sa reklamo.

Sinusubukan pa na makuhanan ng pahayag ang "It's Showtime" tungkol sa isyu, ayon sa ulat.—FRJ, GMA Integrated News