Naging emosyonal si Ricky Davao nang balikan kung paano inamin sa kaniya ng anak na si Rikki Mae na miyembro siya ng LGBTQ+ community..

“Something happened in her school, nabalitaan ko, nagalit ako,” sabi ni Ricky.

“Nag-aayos ako ng shoes, tapos nagalit ako, binato ko. Hindi naman siya tinamaan, and then she cried,” pagpapatuloy ng aktor na maluha-luha na.

Kinabukasan, binigyan siya ni Rikki Mae ng isang sulat ng pag-amin tungkol sa pagkatao nito.

"She admitted that she's different, that she's part of the [LGBT+ community]. Of course natanggap ko naman agad because I love her, and I respect [her]," sabi ng director-actor.

"So, whatever makes her happy,” sabi pa ni Ricky.

Naging panauhin din ang dating asawa ni Ricky na si Jackie Lou Blanco sa “Fast Talk with Boy Abunda” noong Hunyo, at inihayag ng aktres na may pakiramdam na siya na maaaring miyembro ng LBGTQ+ community si Rikki Mae.

Mayroong tatlong anak sina Ricky at Jackie, at pangalawa si Rikki Mae. -- FRJ, GMA Integrated News