Pumanaw na ang veteran radio anchor na si Don Manolo Favis sa edad na 84.

Ang malungkot na balita ay kinumpirma ng kaniyang anak, ayon sa Super Radyo dzBB nitong Sabado.

Naging bahagi ng Super Radyo dzBB si Don Manolo kahit noon pa na “Radyo Bisig Bayan” pa lang ang pangalan ng radio station.

BASAHIN: Veteran broadcaster na si 'DJ Richard' Enriquez, pumanaw na

Ibuburol si Don Manolo sa Loyola Memorial Park, Marikina, na bubuksan sa publiko simula sa Linggo, hanggang sa kaniyang libing sa Miyerkules. — FRJ, GMA Integrated News