Patay na nang matagpuan ang isang lalaki matapos siyang gilitan ng isa pang lalaki na tatlong beses niya umanong ginahasa sa Santo Tomas, Isabela.
Sa ulat ng 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing natagpuan ang bangkay ng biktima sa isang bakanteng lote sa Barangay Balelleng.
Huling nakita ang lalaki noong nakaraang Sabado kasama ang isa pang lalaki na natuklasang suspek sa krimen.
Sumuko ang suspek, na umaming ginilitan niya ang biktima.
Isinuko niya rin ang patalim na ginamit sa krimen.
Kaniyang depensa, tatlong beses na umano siyang pinagsamantalahan ng biktima kaya siya gumanti.
Sinampahan ang lalaki ng reklamong homicide. —Jamil Santos/VBL GMA Integrated News
