Sinabi ni Cristine Reyes na annulled na o wala nang bisa ang kasal nila ng dati niyang asawa na si Ali Khatibi.

“Are you annulled?” tanong ni Tito Boy Abunda kay Cristine sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes.

“Yes po,” tugon ni Cristine. “Matagal na Tito Boy.”

“Kasi po Tito Boy hindi ko naman siya in-announce eh. It’s not something I should celebrate,” paliwanag ng aktres.

Ikinasal si Cristine kay Ali sa Balesin Island noong 2016.

May isa silang anak na si Amarah.

Ayon sa ulat ng pep.ph, Enero 2018 nang magsimulang magkalabuan sina Cristine at Ali.

Noong nakaraang taon, isinapubliko nina Cristine at aktor na si Marco Gumabao ang tungkol sa kanilang relasyon.--FRJ, GMA Integrated News