Nagbalik-tanaw si Mike Tan noong sumali siya sa "StarStruck” at ikinuwento kung sino ang kaniyang batchmates ang pinaka-kinaiinisan ng marami sa sobrang daw ang self-confidence.

Sa Kapuso Online Exclusive, tinanong si Mike kung sino sa mga batchmate niya sa StarStruck ang kinaiinisan niya.

"Si Kirby De Jesus,” sagot ng aktor.

"Si Kirby kasi 'yung nag-uumapaw sa self-confidence noon. Tapos sasabihin namin, lahat kami naiinis sa kaniya, ‘Ang yabang mo.’ Tapos lahat kinokompronta niya,” pagpapatuloy ni Mike.

Pero paglilinaw ni Mike, naging maayos din naman ang lahat at naging magkakaibigan sila.

 "Okay kami ni Kirby ngayon. After StarStruck, during StarStruck, magkakabati naman kami, magkakaibigan naman kami. Pero during that time talaga inis na inis kami kay Kirby," kuwento niya.

"Parang lahat gusto kaming awayin ni Kirby din. Lahat naman tapos na, okay na lahat. We're all good friends now," sabi pa ni Mike.

 Si Mike ang nagwagi bilang Ultimate Male Survivor sa Season 2 ng StarStruck noong 2004 hanggang 2005, habang si Ryza Cenon ang Ultimate Female Survivor. -- FRJ, GMA Integrated News