Pinarangalan si Alden Richards bilang “Asia’s Exemplary Actor of the Year” sa Asia’s Influential Leader Awards.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, sinabing masayang tinanggap ni Alden ang award, na nagsisilbi niyang ikalawang award ngayong 2024.
Ayon sa Asia’s Multimedia Star, nagpapasalamat siya sa kaniyang achievements ngayong taon, kabilang ang tagumpay ng pelikula nila ni Julia Montes na “Five Breakups and a Romance.”
Para kay Alden, ito na rin ang kaniyang paraan para mag-give back sa industriya.
“I find purpose in everything that I do, hindi lang talent fee, hindi na lang exposure. And I think sana kahit paano makapaghikayat pa tayo ng ibang mga kabataan or nagsisimula sa industriya,” sabi ni Alden. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News
