Ibinahagi ng Kapuso actress na si Yasmien Kurdi sa Instagram ang ultrasound ng kaniyang paparating na baby.

Nag-post si Yasmien ng clips ng baby na gumagalaw sa kaniyang sinapupunan, pati na ang heartbeat.

“I am ALIVE! So chubby! I Love You,” saad ni Yasmien sa caption.

Nilagyan pa niya ito ng hashtags, “#YourMamaDragonLovesYouSoMuch #CantWaitToSeeYou #MyBabyDragon #3rdDragon in the family #IPromiseToProtectYouAlways.”

Nagkomento naman sa post ni Yasmien ang kaniyang mister na si Rey Soldevilla na nagsabing, “see u soon baby!”

 

 

Inanunsyo ng mag-asawa ang kanilang kasal noong 2013, at mayroon na silang panganay na si Ayesha Zara, na 11-taong-gulang na.

Nitong nakaraang Nobyembre nang ibahagi nina Yasmien at Rey, na magkakaroon na sila ng bagong baby.—FRJ, GMA Integrated News