May mga bagong karakter na aabangan sa Kapuso action-drama primetime series na "Mga Batang Riles."

Ayon sa GMA Network, kabilang sa mga bagong cast members ng serye sina Paolo Contis, Kim De Leon, Miah Tiangco, Jay Arcilla, Robb Guinto, Alex Calleja, at Mariz Ricketts.

Dating napanood ang Vivamax actress na si Rob sa Kapuso primetime action series na Black Rider, na pinagbidahan ni Ruru Madrid.

Naging bisita kamakailan si Robb sa programang "The Boobay and Tekla Show," at sumabak siya sa dating game kasama ang ilan sa boys ng "Mga Batang Riles."



Samantala, mainstays naman sa Kapuso gag show na "Bubble Gang," sa Paolo.

Nauna nang inanunsyo na makakasama rin sa "Mga Batang Riles" si Joem Bascon, na dating gumanap bilang si "Leon," sa dating primetime series na "Asawa ng Asawa Ko."

May guest appearance din sa serye sina AiAi delas Alas Caitlyn Stave.

Bida sa "Mga Batang Riles" sina Miguel Tanfelix, Kokoy De Santos, Raheel Bhyria, Bruce Roeland, at Anton Vinzon.

Kasama rin sina Diana Zubiri, Desiree Del Valle, Jay Manalo, Ronnie Ricketts, Roderick Paulate, Zephanie, at marami pang iba.

Napapanood ang "Mga Batang Riles" gabi-gabi, pagkatapos ng "Lolong: Bayani ng Bayan." --FRJ, GMA Integrated News