Lumabas na sina Ashley Ortega at AC Bonifacio sa Bahay ni Kuya bilang mga mga unang evictee ng "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition."
Kabilang sina Ashley at AC sa mga nominadong duo noong nakaraang linggo, kasama sina Ralph De Leon at Michael Sager, at Will Ashley at River Joseph.
Nakatanggap ang duo nina AC at Ashley ng pinakamababang porsyento ng mga boto na 17.25%.
Ang duo naman nina Ralph at Michael ang may pinakamataas na porsyento na 45.89%, habang nakakuha sina Will at River ng 36.87%.
Bago inanunsyo ang mga evictee nitong Sabado, nakatanggap si Ashley ng liham ng pagkikipagkasundo mula sa kaniyang ina, na tatlong taon na niyang hindi nakikita.
Napanonood ang mga bagong espisode ng "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition" sa GMA Network ng 10 p.m. tuwing weekdays at 6:15 p.m. sa weekends. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News

