Kahit walang formal training, looking forward si Andrea Torres sa shoot ng underwater scenes para sa kaniyang upcoming series na "Akusada," na gaganap siya bilang tahong vendor."Adventurous naman akong tao. Learning experience siya and gusto ko 'yung gan'yan. 'Yung nababasa ako, napapawisan ako, tumatakbo-takbo ako, type na type ko 'yung mga gan'yan," sabi ni Andrea sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa GMA News "24 Oras" nitong Martes.Kuwento ni Andrea, makikita ng mga manood sa kaniyang role bilang si "Carol," ang pagiging masipag ng mga Pilipino."Makikita n'yo sa role ko 'yung pagiging masipag nating mga Pilipino, 'yung lahat kasi ng raket kaya niyang gawin basta marangal. Dahil andun lang talaga sa utak niya 'yung goal niya na gusto niya 'yung pamilya niya maging komportable ang buhay, sama-sama sila. 'Di ba gano'n tayo?" ayon kay Andrea.Kasama ni Andrea sa series si Benjamin Alves, na madali umanong pumayag sa proyekto dahil sa maganda at mabilis ang istorya."Napakaganda at napakabilis po ng istorya na 'to. Kumbaga po sa phase ng story, kung 'yung kadalasan na nasanay 'yung mga Kapuso natin na three weeks nilang aabangan, four weeks nilang aabangan, ngayon the same episode. 'Yung kung nando'n 'yung problema, nando'n na rin 'yung resolution," paliwanag niya.Magiging kontrabida naman sa istorya si Lianne Valentine."First day namin together, nasabunutan na po ako. Oo. At 'yung sabunot niya, hindi lang basta isa ha. Talagang routine po siya," ani Andrea."So far, so good 'yung chemistry namin together sa pag-arte sa mga scenes namin kasama si Ben. Talagang nagja-jive kami lahat," sabi naman ni Lianne.Ang "Akusada" ang pagbabalik ni Andrea sa GMA Afternoon Prime matapos ang "The Millionaire's Wife," kung saan nakasama niya ang namayapang aktres na si Jaclyn Jose.Inalala ni Andrea ang samahan nila ni Jaclyn sa naturang proyekto na binibigyan siya ng tips sa pag-arte."Kasi ang dynamics namin sa mga ganitong taping, chine-check niya 'yung mga performances ko," kuwento ng aktres.Ang award-winning director na si Dominic Zapata ang magiging direktor ng "Akusada." -- FRJ, GMA Integrated News