Naging seryoso si Alden Richards nang ibahagi niya ang pinagdaanang pagsubok nang magkaroon ng depresyon noong 2024, na pinalala pa ng pagpanaw ng kaniyang lolo Enero nitong taon.“Kung meron pang mas mababa sa rock bottom, I was there,” sabi ni Alden sa kaniyang pagsalang sa GMA Integrated News Interviews, na iniulat din ni Nelson Canlas sa 24 Oras nitong Huwebes.“I think last year was my lowest year. Rock bottom. It took me six months to get over that. That was, hindi naman siya clinically diagnosed, but that was depression at its finest. That was depression. Ang galing nga, hindi lang halata eh. But you know why, before kasi hindi ko siya kayang pag-usapan, kasi hirap ako eh. Ayokong magpakita ng weakness,” pagbabahagi ni Alden.Hindi rin inakala ni Alden na magkakaroon sa kaniya ng epekto ang labis niyang pagtulong.“Inuuna ko muna lahat ng tao bago sarili ko. But last year, medyo, I think that was my breaking point. Kasi minsan, ‘di ba tayo, we always go out of our way to help other people. Tulong, tulong, tulong, bigay, bigay, bigay. Ang nangyari sa akin, paglingon ko doon sa timba ko, wala na palang natira sa akin. And then that broke me to a million pieces,” sabi ni Alden.Sa kasalukuyan, mas pinagtutunan ng pansin ni Alden ang self-love, gaya ng running, biking, at mga bagay na matagal lang niyang gustong gawin.“I owe it to myself,” ika niya.“‘Yun 'yung times kasi na when you're clouded with a lot of negative thoughts and you're, alam mong meron kang mga kasama, alam mong nandiyan 'yung mga taong nagmamahal sa'yo, pero hindi mo maproseso nang tama 'yung emosyon mo, hindi mo maproseso nang tama 'yung pag-iisip mo, it's very hard to be present. Kahit nandito ka, wala ka dito,” paliwanag niya.Nang matanong tungkol sa love life, sinabi ni Alden na ayaw niyang ma-define sa ganitong usapin. Mas matitindi pa raw ang gusto niyang gawin para sa sarili at sa mga matutulungan pa niya.“I don't understand. ‘Di ko alam. Hindi ko gets. Bakit ganu’n ang mindset natin palagi? Na ang basis ng kasiyahan ng isang tao eh, love life. It's just, this is my story. And this is how I want my story to be told. Not based on the presumption of other people. I'm so done with that. I've been here long enough. I know I've done so much for the industry and I would like to do more for the industry right now,” patuloy niya.Magsisilbing host ng upcoming celebrity dance competition na “Stars on the Floor” si Alden. -- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News