Evicted na ang duo nina Shuvee Etrata at Klarisse de Guzman mula sa “Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition.”
Kabilang ang duo nina Shuvee at Klarisse sa mga nominado noong nakaraang linggo, kasama ang mga duo nina Dustin Yu at Bianca De Vera, at AZ Martinez at River Joseph.
Sila ang nakatanggap ng pinakamababang percentage ng mga boto para makaligtas, na mayroong 31.50%.
Nakakuha ng pinakamataas na boto sina Dustin at Bianca na may 36.83%, habang may 31.67% sina AZ at River. Nangangahulugan nitong nanguna lamang ang Team AzVer sa Team ShuKla ng 0.17%.
Apat na duo lamang ang aabante sa Big Night ng season, na magaganap sa Hulyo 5.
Nitong Sabado, limang natitirang duo ang mga sumusunod:
- Ralph De Leon at Will Ashley
- Mika Salamanca at Brent Manalo
- Charlie Fleming at Esnyr
- Dustin Yu at Bianca De Vera
- AZ Martinez at River Joseph
Napanonood ang "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition," sa GMA Network ng 9:35 p.m. tuwing weekdays at 6:15 p.m. ng Sabado. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News

