Sumailalim sa breast surgery ang singer na si Jessie J matapos matuklasan ang kaniyang early breast cancer.

Sa Instagram, ibinahagi ng British singer ang update sa kaniyang kalusugan, maging ang tinawag niyang “honest lows and highs of the last 48 hours” na pinagdaanan niya.

Nagbahagi rin siya ng larawan sa ospital kasama ang kaniyang partner na si Chanan Colman at anak nilang si Sky. 

“I will always show the good and hard bits of any journey I go through. Grateful to my doctor/surgeon and all the nurses who cared for me and all my family/friends who came to visit,” ani Jessie. 

Idinagdag ni Jessie na nagpapahinga na siya sa kaniyang bahay at naghihintay na lang ng resulta.

“Still hugging everyone going through something tough right now. We all got this!” saad niya.

Ngayong buwan ibinabahagi ni Jessie sa publiko na natuklasan ang kaniyang breast cancer bago ang kaniyang latest song na “No Secrets” na inilabas ngayong taon.

Inihayag din niya na "sandali siyang mawawala“ pagkatapos ng Summertime Ball para sumailalim sa breast surgery. 

 

 

Sa datos ng World Health Organization (WHO), tinatayang may 2.3 milyong babae sa mundo ang may breast cancer, at nasa 670,000 ang nasawi noong 2022. 

Sa Pilipinas, isa sa apat na Pinay ang nagkakaroon ng breast cancer, ayon sa Asian Breast Center, dahilan para maitala ang Pilipinas na isa sa mga bansa na may mataas na insidente ng breast cancer sa mundo. — mula sa ulat ni Jade Veronique Yap/FRJ, GMA Integrated News