Ang tambalang Will Ashley at Ralph De Leon ang ikalawang duo na nakapasok sa Big Four ng "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition."

Sa episode nito Martes, naglaban-laban ang apat na natitirang duo sa unang Big Jump challenge, kung saan isa-isang hahatakin ng mag-partner ang 20 blocks na nakapatong sa isang bagay na may dalawang tali.

Ang paghila sa tali, kailangan gawin ng duo gamit ang tig-isa nilang kamay kaya dapat may unawaan sila para hindi matumba at mahulog ang block. 

Kapag nakuha na nila ang 20 blocks, kailangan naman nila itong gamitin ang mga ito sa pag-solve sa isang puzzle.

Dahil sina Will at Ralph ang unang nakakumpleto sa naturang challenge, sila ang pumasok na pangalawang duo sa Big Four spot, kasama ang tandem nina Charlie Fleming at Esnyr.

Naiyak sa tuwa si Will nang opisyal na ianunsyo ni "Kuya" ang kanilang panalo sa challenge at pag-apak nila sa Big Four platform.

Napapanood ang "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition" sa GMA Network mula Lunes hanggang Sabado sa ganap na 9:35 p.m. — mula sa ulat ni Carby Rose Basina/FRJ, GMA Integrated News