Inihayag ni Jewel Mische na niligawan siya ni Paulo Avelino noong StarStruck season 4. Naging sila kaya? Alamin.
Sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Miyerkoles, tinanong ni Tito Boy si Jewel kung mayroon nanligaw sa kaniya noong panahon niya sa StarStruck.
“Medyo ilan-ilan sa kanila ang nag-show ng interest. Pero ‘yung seryoso talaga was Paulo Avelino,” sabi ni Jewel.
“Kami rin ‘yung naging close. Siya talaga ‘yung tagapagtanggol ko that time,” pagpapatuloy niya.
Pag-alala ni Jewel, naging magka-loveteam sila ni Paulo sa ilang proyekto. Gayunman, nilinaw niyang hindi sila naging opisyal na magkarelasyon.
“‘Yung official, hindi. Hindi kami naging…,” sabi ni Jewel na itinanghal na Ultimate Sweetheart sa “StarStruck 4.”
May dalawang anak na ngayon si Jewel sa kaniyang Amerikanong asawa na si Alister Kurzer, na sina Aislah Rose, Emerald Jade, at Yzbel Quinn. – FRJ, GMA Integrated News
