Pumanaw na sa edad na 87 ang American singer na si Connie Francis, ang boses sa likod ng mga hit song na "Pretty Little Baby" at "Stupid Cupid."

Ang malungkot na balita ay ibinahagi sa Facebook post ni Ron Roberts, kaibigan at presidente ng Concetta Records, ang music label na pag-aari ni Connie.

"It is with a heavy heart and extreme sadness that I inform you of the passing of my dear friend Connie Francis last night. I know that Connie would approve that her fans are among the first to learn of this sad news. More details will follow later," saad ni Ron nitong Huwebes (Philippine time).

Ibinahagi rin sa official at verified Facebook page ni Connie ang post ni Ron.

Nitong huling bahagi ng June, inanunsyo ni Connie sa Facebook na sumailalim siya sa series of tests para alamin ang dahilan ng nararamdaman niyang pelvic pain sa kanan bahagi.

Nitong July 3, inihayag ng mang-aawit na inilipit na siya sa private room matapos ang examinations sa intensive care. Sa sumunod na araw, inihayag niya na "feeling much better after a good night."

Mas nakilala si Connie noong '50s at '60s sa kaniyang mga awitin na ang ilan at nadidinig pa rin hanggang ngayon, kabilang ang "Stupid Cupid," "Pretty Little Baby," "Who's Sorry Now?" "You're Gonna Miss Me," "Lipstick On Your Collar," at marami pang iba.—FRJ, GMA Integrated News