Inilahad ni Vina Morales na naging mahirap ang long-distance relationship para sa kanila ni Andrew Kovalcin kaya humantong ito sa hiwalayan. May paliwanag din siya sa tungkol sa pinag-usapag larawan nila ni Jake Ejercito.

“Mahirap talaga,” sabi ni Vina sa guesting nila ni Gladys Reyes sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes.

“‘Yung sa iba naman, it would work siguro. Pero para sa akin, karamihan ng nag-LDR na relationship ko, it didn't work out. So, I guess it's not for me. But then, well, wala talaga eh. I mean, mahirap ipilit ‘yung hindi para sa iyo,” pagpapatuloy ni Vina.

Nilinaw din ni Vina ang tungkol sa pagkakaugnay sa kaniya kay Jake Ejercito.

“Actually, nagkasama lang kami sa isang show. Nangampanya kami, overnight lang ‘yun. Tapos, after the event, tapos nag-swim kami. And then, the next day…” sabi ni Vina.

Hindi pa man natatapos si Vina, tila nagulat sina Tito Boy at Gladys sa kaniyang sinabi, at biniro siya ng mga ito.

“Nag-swim?” sabay na sabi nina Tito Boy at Gladys.

But really, he’s a good friend,” paglilinaw ni Gladys.

Dahil dito, tinanong ni Tito Boy kung bukas si Vilma na makipagrelasyon sa mas bata sa kaniya.

“Well, ako, ayaw ko magsalita nang tapos. But I don't know, I mean, if there's someone,” anang Filipina singer.

Sa Fast Talk segment, sinabi ni Vina na mas pipiliin niya ang non-showbiz kaysa showbiz, mas gusto niya ang AFAM, at mas matanda kaysa bata.

Mapanonood na ang drama series na "Cruz vs. Cruz" pinagbibidahan nina Gladys at Vina sa 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Kasama rin nila sina Neil Ryan Sese, Kristoffer Martin, Lexi Gonzales, Elijah Alejo, Pancho Magno, Gilleth Sandico, Caprice Cayetano at Cassy Lavarias. – FRJ, GMA Integrated News