Pumanaw na ang batikang professional wrestler na si Hulk Hogan sa edad na 71, ayon sa mga ulat ng media sa Amerika nitong Huwebes.

Sumikat si Hogan sa professional wrestling noong dekada 80's na kalauna’y pumasok din sa mundo ng pag-arte.

Bukod sa kaniyang taas na 6'7," naging marka ni Hogan ang pagsusuot ng bandana, pagpunit sa kaniyang damit, at ang kaniyang natatanging blonde na handlebar na bigote.

Ayon sa isang ulat ng NBC News, sinabi ng manager na si Chris Volo na pumanaw si Hogan sa bahay nito sa Florida pero hindi pa tinukoy kung ano ang dahilan.  

Iniulat din ito ng TMZ mula naman sa hindi nila tinukoy na source.—mula sa ulat ng Agence France-Presse/FRJ GMA Integrated News