Inalmahan ni Mark Herras ang ilang tao na gumagawa ng content tungkol sa kaniya at nagpapakalat umano ng maling impormasyon na wala siyang trabaho.
“FYI sa mga basta may ma ipost lang kung ano anong storya ang [ginagawa] basta may ma content lang wag kayong g---!!!,” sabi ni Mark sa post sa Facebook.
“‘Yung post ko na umiiyak eh tungkol sa personal na problema! Wag kayong t---- at mahilig gumawa ng kwento para lang sa content nyo!!!” pagpaptuloy niya.
Ayon kay Mark, may proyekto siya sa GMA 7 at iba pang platform kaya hindi totoong wala siyang trabaho.
“[P]ara sa mga [gumagawa] ng storya na umiiyak ako dahil wala akong trabaho wag kayong t----! Maghanap kayo ng ibang macocontent wag ako mga i-----!!!,” patuloy ng aktor.
Bago nito, in-unfollow nina Mark at Nicole Donesa ang isa’t isa sa Instagram, kaya nagkaroon ng mga espekulasyon ang netizens na baka may pinagdadaanan ang pagsasama ng mag-asawa.
Kasabay nito, nag-post din si Mark ng isang video na emosyonal, kaya nagpahayag ng pag-aalala ang kaniyang mga kaibigan sa showbiz at fans sa comments section.
“Kulong sa Sistema,” caption ni Mark.
Ikinasal sina Mark at Nicole noong 2021, at mayroon silang dalawang anak.
– Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News

