Inihayag ni Barbie Forteza na nananatiling isa sa kaniyang mga pangarap ang makapagtanghal sa teatro. Gayunman, kailangan pa raw niyang mag-ipon ng tapang at kumpiyansa para gawin ito.
Sa gala night ng “Ang Babae sa Septic Tank 4: Oh Sh*t! It’s Live sa Cheter!” ng PETA, ibinahagi ng Kapuso actress na mayroon siyang "dreams to be on theater."
"I just need to gather more courage and confidence maybe,” sabi ni Barbie sa panayam sa kaniya ng GMA News Online, na idinagdag na maghihintay din siya sa tamang materyal bago niya tanggapin ang isang stage production.
“I’m just wishing and hoping for a very good material na worth it talagang pagkuhanan ng oras at araw. It takes a lot of rehearsals and all that,” sabi niya.
Bagama't wala pa siyang naiisip na dream role, sinabi ni Barbie na malugod siyang tatanggap ng stage production kapag dumating na ang tamang pagkakataon.
“Nothing comes to mind yet. But again, if something good falls into my lap, I will definitely do it."
Ayon kay Barbie, mas hinangaan pa niya ang mga theater artist nang mapanood niya ng “Ang Babae sa Septic Tank 4.”
“Ang nakita natin 'yung finished product niya, pero 'yung paggawa niyan, mabusisi talaga. So I think mas ‘yun 'yung kailangan ko pang paghandaan,” sabi niya, na inihayag ang paghanga sa mga artista at sa pagsisikap sa paggawa ng pagtatanghal ng isang produksyon sa entablado.
Pinuri rin ni Barbie ang produksyon, na tinawag itong “smart” at “funny.”
“It was so smart. It was so funny that you have to take it seriously. That’s all I have to say. The rest, you just have to see for yourself,” sabi niya, na hinikayat ang mga tao na panoorin ang play kasama ang pamilya at mga kaibigan.
“Ako kasi nanood ako tonight alone. I guess that’s the one mistake I did. So when you watch this, make sure marami kayong kasama kasi ang gandang experience niya to share with so many," saad niya.
Inihayag din ni Barbie ang patuloy na paglago ng Philippine theater.
“I am very happy. Sana ganito rin ang pelikula,” sabi niya, na idinagdag na naaaliw siya sa straight plays at umaaasang makapanonood pa ng marami pang shows.
Mapanonood "Ang Babae sa Septic Tank 4” hanggang Agosto 16, 2026 sa PETA Theater sa New Manila, Quezon City.-- Sherylin Untalan/Jamil Santos/FRJ GMA News

_2026_06_26_10_32_39.jpg)