Balik-Pilipinas na matapos manirahan sa Amerika si LJ Reyes at ang kaniyang pamilya. Handa rin kaya siyang magbalik-showbiz? Alamin.
Sa panayam sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Huwebes, inamin ni LJ na dahil sa kaniyang buhay sa ibang bansa, lalo niyang naisip kung gaano niya nami-miss ang pag-arte at pagho-host.
"Gusto ko. Like, being in the States, sabi ko, parang sobrang napagod ako sa States. And the last year or so, parang sabi ko, na-miss ko nang mag-actor or mag-host, you know what I mean? Getting made up again, not being in a hoodie, no more kuskos-kubeta and all that," saad ng aktres matapos manirahan sa US sa nakaraang anim na taon.
Ayon kay LJ, matagal na niyang ipinagdarasal ang makabalik sa Pilipinas, kahit masaya siyang sinuportahan ang kaniyang asawang si Jimmy Alapag sa karera nito bilang coach sa NBA.
"It's been six years and matagal ko nang pinagpe-pray. Although I'm very happy with his career and all that stuff. But no place like home talaga, Tito Boy," saad ng aktres.
Sa kanilang pagbabalik-bansa, head coach na ngayon ng NLEX Road Warriors sa PBA si Jimmy matapos magsilbing player development coach ng Sacramento Kings sa NBA.
Ani Jimmy, tamang desisyon ang pagbabalik nila sa Pilipinas, hindi lamang para sa kaniyang karera kundi lalo na para sa kanilang pamilya.
"To be honest, Tito Boy, it just felt like the right time. And not just for myself, for my career, but I think more importantly for our family. As you can see, 'yung asawa ko is extremely happy. And even for the kids, kasi medyo mabigat when you're traveling throughout the NBA season. Kasi minsan, 'yung road trips are five days, 10 days, even up to 14 days," kuwento ni Jimmy.
"Solo parenting most of the NBA season," dagdag ni LJ. "And no help dun, Tito Boy. Kasi dito, we have all the help. Iba talaga."
Taong 2010 nang ikasal sina LJ at Jimmy. Mayroon silang apat na anak na sina Ian, Keona, Calen Asher, at Cayson Amory.
Nitong Biyernes, naging bisita si LJ sa GMA show Unang Hirit kung saan nagluto siya ng tinola na madalas niyang iluto sa US para sa mga anak upang makakain ng gulay na may sabaw.
—Carby Rose Basina/FRJ GMA News

