Paboritong meryenda ng mga taga-Samal Island ang Salbaro at Daral, na masarap na kapares ng kape. Bakit hindi puwedeng paghiwalayin ang dalawa kapag kinakain ang mga ito? Alamin.

Sa nakaraang episode ng “Biyahe ni Drew,” sinabing tradisyunal na meryenda at sikat sa Visayas at Mindanao ang Salbaro.

Pagkahalo sa tubig, asin, asukal at langis at harina, mamumuo ito saka imamasahe at titimbangin. Saka ito palalamanan ng bukayo.

Isa sa mga gumagawa nito si Nang Tasing, na 1985 pa nang matutong magluto nito at nagpakilala nito sa Samal Island.

Tradisyunal pa rin ang kaniyang paraan ng paghahanda ng Salbaro, na ginagamitan niya ng traditional modified oven.

Makaraan lang ang ilang minuto, luto na ang Salbaro.

Samantala, ipinapartner sa Salbaro ang Daral, isang Tausug delicacy na nagmula pa sa Sulu.

Tila isa itong crepe na may palaman na buko at muscovado.

Isa sa gumagawa nito si Ate Merisil, hinahalo rin ang harina, tubig at secret ingredient para dagdag aroma.

Pagkaluto sa dough, palalamanan ito ng bukayo, o kinayod na niyog na may kaunting lapi at may kaunting vanilla.

Ano kaya ang masasabi ng host na si Drew Arrelano sa Salbaro at Daral? Panoorin ang video. – FRJ GMA News