Umuwi na sa Pilipinas si BB Gandanghari matapos manirahan nang ilang taon sa Amerika.
Sa nakaraang panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes, sinabi ng dating aktres na mahigit dalawang buwan na siyang nasa bansa at nagpasya siyang umuwi dahil sa health condition.
“Sa America, I was diagnosed with a cardiovascular condition, nakakita ng blockage sa puso ko,” ani BB.
“I was very emotional in the States. I was supposed to have angiogram there, go through the whole process,” patuloy niya. “But I wasn’t sure kasi sabi ko I don’t know if I’m too young for that kasi they wanted to distend on my heart already.”
Dahil dito, nagpasya si BB na bumalik sa Pilipinas upang humingi ng pangalawang opinyon mula sa mga doktor. Aniya, isinagawa na rin ang naturang procedure para sa second opinion noong nakaraang linggo.
“During that whole process, I changed my lifestyle, I changed my diet,” saad niya. “Also, that’s the reason why I went to Iloilo, just to have that clear air, just to really magpahinga.”
Ayon kay BB, nabawasan na ang bara sa puso na unang natuklasan habang siya ay nasa Estados Unidos.
Sinabi rin niyang nananatili siyang aktibo, bagay na ikinabahala niya noong una siyang ma-diagnose.
“Parang hindi ko kaya ‘yung biglang hindi ka na puwede maging active,” ani BB. —Nika Roque/FRJ GMA News

