Nagdeklara ang ilang lokal na pamahalaan na suspendido ang klase sa eskuwelahan sa kanilang nasasakupan sa Lunes, July 27, 2026 kaugnay ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Layunin ng pagkansela ng klase na mabigyan ng pagkakataon ang mga tao na mapakinggan ang mga sasabihin ng Pangulo sa SONA, at maiwasang maipit ang publiko sa inaasahang mabigat na daloy ng trapiko.

Samantala, naglabas naman ang MMDA ng mga alternatibong daanan kaugnay ng SONA ni Marcos sa Batasan Pambansa sa Quezon City.

I-refresh ang page para sa update. – FRJ GMA News