Pumanaw sa edad na 30 si Vanessa Blanca, miyembro ng dating pre-teen singing group na Sugarpop, at umawit ng kantang “DOTA O Ako.”

Ibinahagi ng pinsan ni Vanessa na si Ivy Ann Salaum Jubelag ang malungkot na balita sa Facebook post.

“It is with the heaviest heart that I share the heartbreaking news of the passing of my beloved first cousin and little sister, Vanessa Blanca Quillo Rangadhol, who tragically passed away today, August 19, 2026, following an accident at the condominium where she was staying in Manila,” saad ni Ivy.

Sa isang hiwalay na post sa Facebook, sinabi ni Ivy na nagtamo si Vanessa ng matinding traumatic brain injury na nagdulot ng pagdurugo sa kaniyang utak bunga ng aksidenteng pagkatumba.

Ayon sa kanya, nagbibihis si Vanessa sa banyo nang matisod at matumba na dahilan upang tumama ang kaniyang mukha at ulo sa sahig.

“Emergency assistance was immediately requested, and an ambulance was called. However, after approximately 15 minutes of waiting, the ambulance had not yet arrived. As her condition required immediate medical attention, her companions made every effort to bring her to the nearest hospital using a wheelchair,” pagbahagi ni Vanessa.

Isasagawa ang public viewing sa Agosto 21, sa ganap na 6:00 om sa Loyola Memorial Chapels sa Commonwealth, Quezon City.

Ipinanganak si Vanessa noong Disyembre 6, 1995.

Naging miyembro si Vanessa ng grupong Sugarpop kasama sina Julie Anne San Jose, Rita Daniela, Enzo Almario, at Cholo Bismonte.

Pumatok ang kanta nila ni Aikee na “DOTA O Ako,” na tungkol sa kung ano ang dapat ipiliin ng ng lalaki—ang kaniya bang nobya o ang paborito niyang online game.— Carby Rose Basina/FRJ GMA News