Kabaligtaran daw ng kanyang misis na si Danica Sotto ang basketbolistang si Marc Pingris pagdating sa pagdidisiplina ng kanilang mga anak.
Dahil kung si Danica ay nadadaan pa sa lambing, "pag sinabi kong 'No, No'" naman si Marc.
Ikinuwento ng mag-asawang Danica at Marc sa Sarap Diva kung paano nila tinuturuan ng "unconditional love" ang kanilang mga anak. — Jamil Santos/MDM, GMA News
