Certified #Gulapanatics ang isang 5-anyos na lalaki na kinagigiliwan ngayon ng netizens dahil sa kaniyang paggiling ala-Dante Gulapa.
Kinilala ang bata na si Vince Salvador na taga-Marulas, Valenzuela sa GMA News "Unang Balita," na sumasayaw sa saliw ng kantang Kahit Ayaw Mo Na ng This Band.
Makikita sa video ang pagkasa ni Vince sa Eagle Dance X Switch It Up challenge dance steps ni Dante Gulapa.
Kinunan si Vince ng kaniyang tatay dahil sa hilig talaga nitong sumayaw. —Jamil Santos/LBG, GMA News
