Hinahangaan ngayon sa social media ang isang aso na nagmalasakit na ilibing ang nakita niyang patay na pusa sa Ragay, Camarines Sur.
Sa ulat ng GMA News "24 Oras Weekend" nitong Sabado, makikita sa video ng uploader ang paghahanap ni Brownie ng lupang mahuhukay para mailibing ang pusa.
Maging si Pidong Borromeo, ang among umampon kay Brownie, ay humanga sa pagmamalasakit ng kaniyang aso.
Isinaad ng ilang eksperto na nakaugalian na ng ilang aso na magtago o maglibing ng itinuturing nilang pagkain, ngunit may mga pag-aaral ding nagsasabing nakakaramdam din ang mga aso ng pagluluksa. —Jamil Santos/LBG, GMA News
