Duguan at wala nang buhay nang tadnan ng isang ama sa kanilang bahay sa Lubao, Pampanga ang kaniyang asawang buntis at anak nilang apat na taong gulang. Ang suspek sa krimen, ang kamag-anak nilang 13-anyos na nakadinig daw ng bulong na patayin ang mga biktima.

Sa ulat ng GMA News TV "Balita Pilipinas" nitong Lunes, sinabing galing sa pagtitinda ang padre de pamilya nang madiskubre niya ang bangkay ng kaniyang mag-ina.

Hawak na ngayon ng pulisya ang 13-anyos na suspek na pinsan ng pinatay ng kaniyang asawa.

Kuwento umano ng suspek sa mga pulis, may bumulong sa kaniya na patayin ang mag-ina.

Kumuha umano siya ng gunting at kutsilyo para pagsasaksakin ang mga biktima.

Sinabi naman ng pulisya na hindi sangkot sa droga ang suspek at wala ring nawawalang gamit sa bahay ng mga biktima.-- Joviland Rita/FRJ, GMA News