Sa programang "Tunay Na Buhay," nakapanayam ni Rhea Santos si Super Tekla, na nagbahagi ng kaniyang Top 10 facts, kasama na ang dahilan ng pag-alis niya sa Wowowin, at tunay niyang kasarian.

Ikinuwento ni Tekla na nagmula siya sa North Cotabato at lumuwas ng Maynila sa paniniwalang dito niya matutupad ang kaniyang mga pangarap. Hanggang sa madiskubre siya sa isang comedy bar at nakagawa ng sariling pangalan.

—Jamil Santos/LBG, GMA News