Laging nakangiti at malumanay magsalita, kahit sa kaniyang mga video sa Facebook kapag naninita ng mga "tolongges" o pasaway sa kalye, tila hindi nakikitang nagagalit si Manila Mayor Isko Moreno. Kaya ang tanong marahil ng marami, nagagalit din ba si Yorme? At kung oo, papaano naman kaya siya magalit?
Panoorin ang video na ito ng programang "Bawal Ang Pasaway kay Mareng Winnie" kung saan nagkuwento ang ilang tao na katrabaho ni Isko. Kuwento ng kaniyang production assistant, may mahigpit na bilin ang alkalde sa kaniyang mga kasamahan sa bahay na hinding-hindi dapat gawin kapag nasa harap ng kaniyang mga anak. Kung ano ito, alamin.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News
