Trending online ang naging pagbisita ni Kisses Delavin sa Kapuso morning program na "Unang Hirit." Kasabay nito, inihayag din niyang looking forward siya sa isang pelikula kasama si AiAi delas Alas.

Sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa GMA News "24 Oras," sinabing nagpasalamat si Kisses sa todo-suportang ibinigay sa kanya ng fans kahit pa sa early morning.

"Salamat po sa paggising niyo nang maaga para po panoorin po ako dito. Thank you po talaga! Imbis na matulog po kayo nanood po kayo kaya salamat po!" ani Kisses.

Naki-kanta at nakitsika din si Kisses, kung saan sinabi niyang excited na siya para sa movie nila ng Kapuso Comedy Queen ngayong 2020 na "D'Ninang."

Gaganap sina Kisses at AiAi na mag-inang na-reunite sa isa't isa.

Nag-trend din si Kisses nang mag-guest siya sa "Eat Bulaga," kung saan binigyan siya ng warm welcome nina Bossing Vic Sotto, Joey de Leon,Wally Bayola at Maine Mendoza. — Jamil Santos/DVM, GMA News