Kumpiskado ang aabot sa P40 milyong halaga ng umano'y unregistered Chinese products sa bayan ng Bustos sa Bulacan.
Ayon sa ulat ng Unang Balita, kabilang sa mga nakumpiskang mga produkto ang ilang klase ng kape, lotion, karne, at food supplements.
Ayon sa National Bureau of Investigation (NBI), bagsak din sa hygiene standard ang bodega na nilalagyan ng mga produkto dahil sa maruming meat-processing area nito.
Nakipag-ugnayan na umano ang Food and Drug Administration (FDA) sa rehistradong manufacturers upang malaman kung peke ang mga nakumpiskang produkto.
Tumangging mabigay ng pahayag ang may-ari ng bodega. —LBG, GMA News
