Unang napanood ang bibong bata na si Kurt sa "Wowowin" at marami ang naantig nang biglang bumuhos ang kaniyang luha nang hilingin niya sa kaniyang ina na huwag nang umalis para mag-OFW. Sa programang "Kapuso Mo, Jessica Soho," inalam ang buhay mag-ina na sumasalalim din sa buhay ng maraming pamilya na ang magulang ay mga OFW.

Napag-alaman na nag-iisang anak ni Hazel Gaces ang pitong-taong-gulang na si Kurt Rhazel.

Dahil hiwalay sa asawa, mag-isang itinataguyod ni Hazel si Kurt.

Limang-taong-gulang si Kurt nang unang umalis ng bansa si Hazel para magtrabaho sa Jordan.

Kuwento ni Hazel, tulog si Kurt nang umalis siya dahil hindi raw niya kakayanin na makitang umiiyak ang anak.

Aminado siyang mahirap sa kaniya ang mawalay sa anak lalo na sa espesyal na mga araw kagaya nang mga aktibidad sa paaralan kapag tumatanggap ng parangal si Kurl.

Matapos ang dalawang taong kontrata, umuwi na si Hazel at ngayon ay bumabawi sa mga panahon na malayo sa anak. Pero muli siyang aalis patungong Qatar para muling maghanap buhay doon.

Mapalad naman si Hazel dahil mayroon siyang mga kapatid na umaalay sa kaniyang upang alagaan si Kurt sa mga panahon na wala siya.

Ngunit sa kabila ng mahusay na pag-aalaga sa kaniya ng mga tiyahin, wala pa ring papantay sa pagmamahal ng tunay na ina kaya nananatili ang pakiusap ni Kurl sa mahal na nanay na huwag nang umalis.

Panoorin ang buong panayam ng KMJS sa mag-ina, at alamin ang payo ni Kurt sa mga katulad niyang anak ng OFW.:


Click here for more GMA Public Affairs videos


--FRJ, GMA News