Ipinamalas ng isang OFW sa Dubai ang kaniyang kakaibang talento sa paggawa ng makulay na sand art sa loob ng bote o fishbowl.

Ayon sa YouScooper na si Jepoy Macaranas na isang OFW sa Dubai, nagsimula siyang gumawa ng sand art sa bote noong 2013 nang alukin siyang magtrabaho sa Dubai bilang isang artist.

Iba’t ibang disenyo raw ang kaniyang nalilikha gamit ang colored sand, imbudo, bote o fishbowl, at manipis na stick na pang-hawi sa buhangin. Inaabot ng lima hanggang minuto ang karaniwang disenyo na ginagawa niya tulad ng mga camel at dolphin.

Pero ang mga disenyong may mga kulay tulad ng portraits ay tumatagal daw ng isa hanggang tatlong oras.

Panoorin ang sample ng kaniyang kahanga-hangang obra sa video na ito:




--FRJ, GMA News