Naiuwi na sa bansa nitong Biyernes ng umaga ang isang OFW na nagtago umano sa Abu Dhabi, United Arab Emirates matapos na may mapatay umano sa Pilipinas.
Sa ulat ng GMA News TV "Quick Response Team" nitong Biyernes, kinilala ang suspek na si Jessie Cadiang na may warrant of arresr mula sa korte sa Capas, Tarlac para sa kasong pagpatay.
Ayon kay Attorney Manuel Dimaano, hepe ng NBI-International Airport Investigation Division, nagpuntang Abu Dhabi si Cadiang noong Setyembre.
Nitong Nobyembre, naaresto siya ng Interpol hanggang sa maaprubahan ang kaniyang deportation papers.
Dumating kanina sa Ninoy Aquino International Airport si Cadiang at dadalhin siya sa Capas, Tarlac kung saan siya sinampahan ng kaso ng pamilya ng biktima na kaniyang napaslang.--FRJ, GMA News