Sinintensyahan ang isang Pinoy ng 15 taon na pagkakakulong sa Amerika dahil sa pagkakasangkot nito sa child pornography, ayon sa ulat ng GMA News TV "Balita Pilipinas" nitong Lunes.


Hinatulang guilty ng korte ang 27-anyos na si Keith Liwanag, na naaresto ng mga awtoridad noong nakaraang taon.

Hinihikayat daw ni Liwanag ang mga menor de edad na magpadala ng hubad na larawan at video ng pakikipagtalik kapalit ng pera.

Ang mga larawan at video, inilalagay daw nito sa internet.

Nakuha ang mga ebidensiya laban kay Liwanag nang salakayan ng mga awtoridad ang kaniyang bahay.

Bukod sa pagkakakulong, isasama rin si Liwanag sa listahan ng registered sex offenders. -- FRJ, GMA News